Monday, September 20, 2010

"PALIMOS PO"


Isang araw habang naglalakad ako papunta sa trabaho, may isang batang napakadungis na kumalabit sa akin sabay sabing "Palimos po, pambili lang po ng pagkain"..na parang iniaabot nya sa akin ang kanyang kamay.. Naawa ako sa bata..pero hindi ko ito binigyan ng pera..sa halip pagkain ang ibinigay ko.. napangiti ang bata, dagliang tinanggap ang pagkaing inalok ko. sabay sabing "salamat po!".. Gumaan ang aking pakiramdam.. Ang sarap pakinggan ng salitang "salamat po" na sinabi ng bata. Parang galing talaga sa kaibutoran ng kanyang puso.. pagkatapos no'uy nagpatuloy na ako sa aking paglalakad.. at habang naglalakad ako, napatanong ako sa aking sarili, "asan kaya ang mga magulang ng mga batang ito? bakit nila pinapabayaan ang kanilang mga anak na magpalaboy laboy sa kalsada habang namamalimos?" pero hindi ko rin masisisi ang kanilang mga magulang, dahil na rin sa kahirapan at kawalan ng trabaho dito sa ating bansa.. Ito ang matagal ng problema ng ating gobyerno, na hanggang ngayon ay hindi pa rin malutas.. Kung lahat lang sana tayo ay may trabaho o may negosyo, wala sanang mga batang palaboy laboy sa lansangan. at mawawala na rin ang salitang "PALIMOS PO"..









No comments:

Post a Comment